Monday, November 17, 2008

.. Biyahero Part 3 ..

Kanina habang nasa dyip ako papasok sa opisina, may sumakay na pulis. Sabi ko sa sarili ko, AYOS! safe ang trip ko kasi may pulis. Kaso sandali lang ang byahe nya ang nagpapara na sa mamang tsuper, kumaway sabay sabing.... SALAMAT! TODOINKS! di nagbayad ang mamang pulis. BWISIT! kawawang tsuper, nagpapakahirap magmaneho, inisahan pa ng isang pulis patola.

Well, isa lang yan sa scenario na nangyayari sa daan. Meron pa dyang nangongotong sa mga tsuper. Paparahin, hahanapan ng mali sa pagmamaneho sabay hihingi lang ng lagay, pang-almusal, pangmeryenda, tanghalian, meryenda at hapunan. o di ba? buhay na sila..hehehe.. Sabi nga ng isa kong kaibigan, hindi na SERBISYO ang ginagawa nila kundi HANAP-BUHAY! Isipin mo na lang sa dami ng sasakyang sa Metro Manila at ilan ang kanilang makukuha mula sa pangingikil, ang laki di ba?

Sana dumating na yung panahon na wala ng traffic enforcers sa daan. Isipin mo, meron na tayong traffic lights, meron pang traffic enforcers. Redundant na di ba? Pero traffic pa din! hehehe.. :)

No comments: