Thursday, January 22, 2009

.. Mayabang ..

Kahapon nagbasketball kami sa Alabang, tabi ng building namin. Syempre sa umpisa shooting, papawis para makondisyon. Ang sarap pang mag-basketball kasi bago yung bola namin. Since malapit lang yung court sa parking lot, ang daming sasakyan, palabas at papasok ng area. Maya maya, may dumaan na BMW palabas ng parking lot. tinamaan ng bola yung sa rear side na gulong ng kotse nya. matagal na tumigil yung BMW akala namin may kausap sa telepono. nag-sorry na din yung kasama namin na nakatama sa gulong nya. tapos biglang bumaba yung driver, ang angas ng porma. tinaas pa yung pantalon sabay sabing, "san tinamaan???!!!" sympre sumagot naman kami na sa gulong tumama. aba, parang nagasgasan yung kotse nya eh bola lang yung tumama. akala nya siguro matatakot kami sa kanya. sabay umalis. nagpasorry na nga yung kasama namin, nagyabang pa sa harap namin! tsktsktsk! nagbiro na nga lang yung kasama ko sabi nya, "ang kapal naman nung mukha nun, eh dapat tayo nga yung magalit kasi luma yung BMW nya at bago yung bola natin!" (hehehehe)..

hay naku, nakakabwisit talaga pag ganun ang makakasalamuha mong tao. porke may BMW, akala mo kung sinong umasta! mabutas sana lahat ng gulong mo! nyahahaha! >:-)

No comments: