Noong Huwebes, napag-tripan namin kumain ng tanghalian sa Tagaytay..sarap ng bulalo at tawilis! Surely, I'll be back here. Here's a pic from Tagaytay, sensya na medyo foggy.. :D
Thursday, October 30, 2008
Tuesday, October 28, 2008
.. Forwarded Quote 1 ..
" mahirap pumapel sa buhay ng isang tao...
lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na pinili niya... "
- bob ong

Thursday, October 23, 2008
.. Biyahero Part 2 ..
Kahapon, nakasakay ako sa bus papuntang opisina. Pagkaupo ko, lumapit sa akin ang kunduktor ng bus, naka-shades at naka-cap pa, pa-pogi effect..naks! hehehehe..Tinanong ako kung saan ako bababa, sabi ko sa Festival Mall at binigay ang aking bayad. Lumang P50 na may teyp ang binigay ko kasi yun lang ang pera ko sa bulsa ko.Pagkabigay ko, bigla nyang sinabi sa akin, "sir, wala ka na bang ibang P50 dyan? di na kasi namin ito tinatanggap..". Nagpintig tenga ko, sagot ko, "bakit, peke ba yan para di nyo tanggapin?". Badtrip, masyadong pasosyal tong kunduktor na to nakashades lang.
Pagkatapos nun, pagdating sa may Festival, hindi tumigil yung bus, dahil bawal nang bumaba sa dating babaan at sakayan, dun ako bumaba sa may ilalim ng flyover tapat ng Metropolis. Hay, malas talaga..Pumasok akong namumuti ang balat kong sapatos dahil sa alikabok. tsk!
Pauwi na...
Kagabi nakasakay ako sa taxi tulad ng dati, sa Eastwood ako sumakay. Napansin ko, mabilis na naman ang metro ng sinasakyan kong taxi. Eto ang aming naging usapan:
yujin: pare, mabilis ata metro natin ah..
drayber: hindi ko alam sir kasi extra lang ako dito.magkano ba yung binabayad nyo?
yujin: P110
drayber: hmmmm, ang layo ng eastwood P110 lang?
yujin: pare, araw-araw akong sumasakay dyan, P110 lang talaga ang binabayad ko.
drayber: eh hindi ko alam, kung gusto nyo, ireklamo nyo na lang yung operator. tawagan nyo.
yujin: o cge, irereklamo ko.
tumigil ang usapan namin, bigla na naman syang nagsalita:
drayber: kanina pa ako nagbabyahe ikaw lang nagreklamo sa akin. di naman ako nangongontrata, wala namang batingting tong metro ko.
yujin: pare, ikaw ba ang sinabihan kong madaya? ang sinabi ko, mabilis ang metro mo.
drayber: eh kung napansin nyong mabilis na yung metro ko, karapatan nyo namang bumaba at maghanap ng ibang taxi.
yujin: bakit? hindi ko ba karapatan magreklamo sa inyo? kung kayo kaya bayaran ko ng kulang na P20, di ba kayo magrereklamo? eh yung piso nga lang na pagtaas ng gasolina sumisigaw kayo, eto pa kaya?
drayber: eh sanay na ako dyan, minsan nga tinatakbuhan ako. yung iba nga binibigyan pa ako ng tip.
yujin: wag nyo akong igaya sa iba nyong pasahero, magbabayad ako ng tama at yung dapat.
hanggang sa pagbaba ko ng taxi, yan nag naging argumento namin. Ang metro ko, P130. Eto yung plate number: TVM235
Hay bwisit na araw kahapon!

Monday, October 20, 2008
.. Biyahero Part 1 ..
Sa araw-araw ng buhay ko, ako'y bumabiyahe. Papunta sa opisina, sa pamamasyal, paguwi uwi sa bahay at kung saan pa. Ngayon, isusulat ko dito ang aking mga positibo at negatibong karanasan sa taxi (lalo na yung mabibilis ang patak ng metro), dyip, bus, traysikel at iba pang mga behikulong sasakyan. Naging inspirasyon ko din ang blog ng kaibigan nating si Patsilog. Dito ko unang nabasa ang mga reaksyon nya sa pagbiyahe sa taxi. Nawa'y maging gabay din ito sa mga kapwa nating biyahero.
Ngayon, unahin natin ang taxi:
Noong nakaraang linggo, nakasakay ako sa taxi mula sa Eastwood. Doon ako sumakay sa may tapat ng IBM Plaza Bldg. kung saan nandun ang paradahan ng mga taxi. Bawal na kasi ang sumakay kung saan-saan. Nasakyan ko ang taxi na may pangalan na Johdyan at ang kanyang plate number ay TXH539. Sobrang sumama ang loob ko habang sakay ng taxi na ito dahil ang bilis ng kanyang metro. Alam ko na kasi kung magkano ang dapat kong ibayad mula sa Eastwood hanggang sa bahay, dapat P110 pesos lang, pero sa kanya, P125 ang binayad ko. Hay, bad trip.

Wednesday, October 15, 2008
Tuesday, October 14, 2008
Ang Kwento Ng Ipis
Kanina hindi ako nakasabay sa aking ka-opisina dahil sa isang ipis. mahimbing akong natutulog ng maramdaman ko na may gumagapang sa aking mukha, isang IPIS! tinaboy ko ito subalit hindi pa nakuntento, bumalik ulit! sa sobrang bwisit ko, hindi na ako nakatulog! Gising ako ng alas-tres ng umaga hanggang alasingko y medya. hay naku..
Kung nakatulog lang ako ng maayos, nakasabay pa ako sa kanya at nakatipid sa pamasahe..
Lesson learned: MAGLINIS NG KWARTO!!!

Monday, October 13, 2008
Sunday, October 12, 2008
Ang Kwento Ng Tinagalog Na Kanta
Simula't sapul, mahilig na ako sa musika. Bahagi na ito ng aking buhay. Araw-araw, hindi lilipas na makikinig ako ng mga inipon kong MP3 na kinanta at nilikha ng iba't ibang muskero. OPM, lab songs, metal, rnb at kung ano ano pa.
Pero, subalit, datapwa't, hindi ko kailanman nagustuhan ang mga TINAGALOG na mga awitin tulad ng souljaboy, umbrella, low at kung ano-ano pa. Naiirita ako sa tuwing napapakinggan ko ang mga awiting ito. Tulad kanina sa bus na sinakyan ko yan ang mga tugtog, ang masakit pa nito, may VIDEO pa! badtrip nga talaga oh. Bwisit na bwisit ako sa mga taong lumikha ng ganitong musika. Hindi ko sila matatawag na artista kasi para sa akin, hindi sila nagisip. ang isang artista, ay yung nagiging malikhain at nagiisip mabuti para makapagambag sa ating sining. Hindi ko maintindihan ang gusto nilang iparating. Wala na ba silang makanta? Wala ba tayong matitinong kumpositor? Patay na ba silang lahat? Parang sa kagustuhan nilang kumita, kahit ano na lang. Ganun na lang ba?
Sana mabasa nila itong HAMON ko sa kanila. Sana man lang imbis na magtagalog sila ng kanta eh paganahin nila ang kanilang kaisipan at lumikha ng kapakipakinabang na awitin na makakapagamabag sa ating napakayaman na musika.

Tuesday, October 7, 2008
DOTA Lines by Pats Tantioco
Thanks to Pat's for these lines.. :D
Si Enchantress ka ba? Habang lumalayo ako sayo, mas masakit..
Si Doom ka ba? Pag-anjan ka, mainit paligid ko..
Si Silencer ka ba? Kapag anjan ka, natatahimik ako..
Si Beastmaster ka ba? Maalaga ka kasi...
Si Razor ka ba? Nakukuryente kasi puso ko sayo..
Si Omniknight ka ba? Ikaw ang aking Guardian Angel..
Si Darkterror ka ba? Tumitigil ang mundo ko tuwing kapiling kita..
Si Phantom Lancer ka ba? Sinong pipiliin ko sa inyo?
Si Crystal Maiden ka ba? Kinikilig ako pag kasama ka..
Si Pudge ka ba? Nahuli mo kasi puso ko..
Frozen Throne o World Tree ka ba?? Kapag wala ka na, wala ng dahilan para lumaban pa...
Other Pick Up Lines:
Ikaw lang gumagalaw sa mundo ko.
- Faceless Void
Dudugo ang puso mo kapag lumayo ka sa akin...
- Bloodseeker
Mas lumalakas ata tama ko sa yo...
- Slardar
Bakit ba ako lagi naghahabol sa yo?
- Nerubian Weaver
Handa akong ipagpalit ang aking buhay para sayo.
- Terrorblade
Di mo man ako nakikita, nasa tabi mo lang ako.
- Rikimaru
Di ko hahayaang malayo ka sakin.
- Traxex
Ang pag-ibig ko sa yo parang ako... Undying.
- Dirge
Dahil sau, napapatalon ako sa saya..
- Mirana
Nabubuhay ulit ako para sa yo.
- Leoric
Suicide na ako kapag wala ka.
Kung kinakailangang mamatay ako kasama ka, gagawin ko.
- Techies
Pupuntahan kita kahit saan ka man.
- Furion
Di ako hooker.
- Pudge
I don't want this night to end.
- Balanar
I may be small, but I have a long range.
- Kardel
I don't want to lose you.
- Gondar
I may be tiny, but I can grow, grow, GROW!
- Tiny
Baby, it's just you and me and me and me and me.
- Meepo

Monday, October 6, 2008
Ang Kwento ng Juicyfruit
Pauwi na kami galing sa opisina, nakasakay ako sa kotse ng kaibigan ko kasama pa ang isang barkada namin. Since gabi na, sinuyo namin yung kaibigan namin na ihatid kami sa aming mga bahay. Habang nasa kahabaan ng C5..
Kaibigan 1: Pare, magmamadaling araw na, ihatid mo naman kami sa bahay namin..sige na..
Kaibigan 2: Ha? Ayoko nga, taga-dyan lang ako oh..
Kaibigan 1: Pare, minsan lang ako magpapahatid sayo. O sige, ito na yung last na sasakay ako sa kotse mo na magpapahatid ako
Kaibigan 2: Ang layo mo pare, taga-Monumento ka pa.
Kaibigan 1: Pare malapit lang yun oh, sige na..May JUICYFRUIT pa naman sa amin.. :D
Kaibigan 2: Ayaw ko nun, gusto ko COKE. Uso ba Coke sa inyo?
Habang naguusap ang dalawa, ako ang kanilang taga-tawa..hahahahaha! Pero sa huli, nakuha sa lambing yung kaibigan namin at hinatid kami sa aming mga bahay. :D

Ang Kwento Ng Kotse At Ng Mga Magdalena
Kagabi, pumunta kami sa apartment ng mga kasama namin sa opisina. Dun, nakilaro ako Naruto sa PS2 ng kasama namin. Tapos pumunnta kami sa may tapat ng apartment nila at nagkwentuhan. Habang nagkukwentuhan, naisip ko na ok na ok ang pinaguusapan namin, maiba naman.may kwentong aswang, may kwentong negosyo pero ang pinakanakakaaliw ay ang kwento ng isa sa kasama namin.
Sobrang sama ng loob niya sa tuwing naaalala niya ang kotse ng kaibigan niya. Meron daw siyang kaibigan na bumili ng second-hand na kotse, binihisan at pinare-paint. Minsan, nagkayayaan daw silang lumabas at napadaan sa isang kabaret. Habang nandun daw sila, pinagtawanan daw sila ng mga babae dun at sinabing, "hahahaha! ang bulok ng kotse nyo! hahahaha". Habang kinukwento nya yun, nakahawak siya sa buhok niya at itsurang naiinis talaga. Kaya daw sinabi daw niya sa sarili niya, "Hinding-hindi ako bibili ng second-hand na kotse."
At alam niyo ba ang kotse niya ngayon? Ang high-end ng Mazda 3.. hehehehe zooooooom! :D

Subscribe to:
Posts (Atom)