Sunday, October 12, 2008

Ang Kwento Ng Tinagalog Na Kanta

Simula't sapul, mahilig na ako sa musika. Bahagi na ito ng aking buhay. Araw-araw, hindi lilipas na makikinig ako ng mga inipon kong MP3 na kinanta at nilikha ng iba't ibang muskero. OPM, lab songs, metal, rnb at kung ano ano pa.

Pero, subalit, datapwa't, hindi ko kailanman nagustuhan ang mga TINAGALOG na mga awitin tulad ng souljaboy, umbrella, low at kung ano-ano pa. Naiirita ako sa tuwing napapakinggan ko ang mga awiting ito. Tulad kanina sa bus na sinakyan ko yan ang mga tugtog, ang masakit pa nito, may VIDEO pa! badtrip nga talaga oh. Bwisit na bwisit ako sa mga taong lumikha ng ganitong musika. Hindi ko sila matatawag na artista kasi para sa akin, hindi sila nagisip. ang isang artista, ay yung nagiging malikhain at nagiisip mabuti para makapagambag sa ating sining. Hindi ko maintindihan ang gusto nilang iparating. Wala na ba silang makanta? Wala ba tayong matitinong kumpositor? Patay na ba silang lahat? Parang sa kagustuhan nilang kumita, kahit ano na lang. Ganun na lang ba?

Sana mabasa nila itong HAMON ko sa kanila. Sana man lang imbis na magtagalog sila ng kanta eh paganahin nila ang kanilang kaisipan at lumikha ng kapakipakinabang na awitin na makakapagamabag sa ating napakayaman na musika.

No comments: