Sa araw-araw ng buhay ko, ako'y bumabiyahe. Papunta sa opisina, sa pamamasyal, paguwi uwi sa bahay at kung saan pa. Ngayon, isusulat ko dito ang aking mga positibo at negatibong karanasan sa taxi (lalo na yung mabibilis ang patak ng metro), dyip, bus, traysikel at iba pang mga behikulong sasakyan. Naging inspirasyon ko din ang blog ng kaibigan nating si Patsilog. Dito ko unang nabasa ang mga reaksyon nya sa pagbiyahe sa taxi. Nawa'y maging gabay din ito sa mga kapwa nating biyahero.
Ngayon, unahin natin ang taxi:
Noong nakaraang linggo, nakasakay ako sa taxi mula sa Eastwood. Doon ako sumakay sa may tapat ng IBM Plaza Bldg. kung saan nandun ang paradahan ng mga taxi. Bawal na kasi ang sumakay kung saan-saan. Nasakyan ko ang taxi na may pangalan na Johdyan at ang kanyang plate number ay TXH539. Sobrang sumama ang loob ko habang sakay ng taxi na ito dahil ang bilis ng kanyang metro. Alam ko na kasi kung magkano ang dapat kong ibayad mula sa Eastwood hanggang sa bahay, dapat P110 pesos lang, pero sa kanya, P125 ang binayad ko. Hay, bad trip.
Monday, October 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
Euegene,
may 10 pesos na na dagdag sa taxi nga yun.... di mo ba alm yun... kung hindi pa wag ka magalit sa taxi driver kase ok lang yun ....
Little Giant
hahaha..pare, kasama na dun yung P10 na dagdag..dati, saktong P100 lang. ngayon P110 na..hehehhe :D
Amputsa eh mapapatay mo pala yang taxi driver na yan ang wais....
Dapat binigyan mo nnag ULTI ala DOTA...
Little Giant
hahahaha! finger of death..nyahahaha!
Wahaha may kwentong taxi ka rin pala!! Pakshet talaga yang mga hinayupak na yan!!!
at ano naman gnagawa m sa eastwood?hehehe...ano ba 15 pesos lang!
onga patsilog..bad trip. sumasakit puso ko pag nakaksakay ng ganitong mga taxi..tsk!
dana, bawat sentimo mahalaga ngayon..maliit lang sayo yung P15 kasi malaki sweldo mo..nyahahah!
Post a Comment